What if lahat ng tao sa Pilipinas napalitan ng clones mo?

Simple lang ang scenario. What if paggising mo, lahat ng tao sa Pilipinas napalitan na ng clones mo. Kamukha mo na lahat ng tao 🤣

Ikaw bahala mamili kung ano gusto mong scenario:

Scenario A: Standard scenario - Lahat ng tao napalitan na ng clones mo. Kamukha mo na lahat 🤣. Yun lang.

Scenario B: Lahat ng tao napalitan na ng clones mo, pero para mas tolerable naman just like normal human society hati-hati sila with male and female clones. Merong mga male version mo, meron ding mga babaeng version mo.

Pero ikaw bahala kung ano gender nila. Pag lalaki ko pwede puro lalaki din clones mo. Kahit lalaki ka pwede rin naman na puro babae clones mo. Ewan ko na lang kung ano gagawin mo pag ganun.

Scenario C: Lahat ng tao napalitan na ng clones mo, pero maliit lang pinagbago ng clones mo from normal human society. Iba-iba din ugali nila at personality, iba-iba din speech patterns or mga salita at slang na ginagamit. Iba-iba din mga hobby at interest nila. Iba-iba din relihiyon, pananaw sa buhay. Iba-iba din yung knowledge. Merong mga clones mo na marunong sa law, accounting, IT, engineering, rocket science kahit hindi mo alam yun.

Pwede rin ihalo to with Scenario B. Basically, halos walang pinagbago ang normal human society, naging kamukha lang ng lahat ng tao ang mukha mo. 🤣

Posted Nov 1, 2025, 8:02 PM UTC

22
Loading comments…