inis na inis sa mga maluho kahit wala ng pera
naiinis ako sa mga taong nakapaligid sakin, specifically, mga tao sa bahay. kulang na nga sinasahod natin, tapos ang dami paring ginagastos na luho. bibili ng pagkain? sasabihan ikaw muna kasi walang pera. tapos mamaya, may pa shopee delivery na darating.
tapos wala sila sa bahay? paabono muna shopee nila tas bayaran mamaya. tapos kapag sisingilin, sasabihin na wala pa kasi sila tsaka saka na lang babayaran. eh bat pa kayo nag COD?!
may due na shopee pay? manghihiram kasi walang pambayad. gastos ng gastos kasi hindi agad babayaran, tapos kapag due na, wala pa rin.
tapos panay fast food, gala, etc. kapag singilan na nang share of bills sa bahay, magsasabi na wala na akong pera. naiinis talaga ako kasi bakit di nila kaya maging responsable sa pera. nagpapakahirap ako na ipunin pera ko tapos ako rin pala sasalo ng mga kinasaya nila. tangina. sana pala linuho ko na lang mga to.
kung magdadamot man ako sa pera ko na ngayon, pake ko ba if magalit pa sila. di naman sila nagpapakapagod dito sa sinasahod ko! akala nila porket wfh, chill, ok ang sahod. hindi. ampota.
Posted Nov 2, 2025, 12:09 AM UTC