Gigil ako sa nangppowertrip na bisor
Nakaencounter na ba kayo ng bisor na lahat na lang ng galaw ng empleyado, iniescalate? Take note, hindi namin yan direct supervisor. Never siyang naging nice sa amin, lagi kaming sinusungitan, pinapagalitan, at ginagaslight, at sinubukan pang imanupulate ang company survey for supervisors and managers. Noong lumabas ang resulta ng survey na puro constructive criticisms tungkol sa kanya, never siyang naging accountable. Ang sisi ay sa amin pa rin. Aware kami sa workplace behavior namin, hindi kami perfect, pero may targets kaming kailangan mahit kaya seryoso kami magtrabaho. Pero sa sobrang kademononyohan niya, araw-araw na lang kaming takot sa kung ano na namang makikita niya na pwedeng i escalate. Ang mga issue na inescalate nya sa team namin ay:
- Gossiping daw - paano makakapag gossip e para ngang militar pag present siya. Bawal na ba ang small talk ngayon sa opisina?
- Mocking others daw - kung may narinig siyang mocking, bakit hindi niya nagcall out right then and there? Nasaan ang ebidensiya?
- Loitering daw - pupunta lang sa pantry at sa CR loitering na agad
Samantalang iyong sarili niyang team, ang lalakas ng boses kapag nagkukiwentuhan at naglalakad sa hallway, ni minsan sinaway ba niya? Parati din namang pumupunta sa CR at sa pantry iyong team members niya, pero inescalate ba niya?
Sobra ang toxicity ng pinoy leadership culture. Great place to work kuno pero ang totoo hindi naman ganyan ang nararamdaman ng lahat ng employees especially pag may powertripper na bisor sa workplace. Nakakawalang gana. Kaya sana magising na iyong mga nasa upper management. Pakicheck ng maayos kung nasa tamang behavior at pagiisip ba iyong mga hinahire niyong bisor. Instead of feeling motivated to go to work, wala na kaming gana.
Posted Nov 3, 2025, 9:11 PM UTC