Leong umuungal…

Random Thoughts

Ang kinakausap sa 1Ped. 5:8 na sinasabihang maging mapagpigil at mapagpuyat ay ang mga MATATANDA sa Iglesia (1Ped. 5:1).

Isa sa mahalagang responsibilidad ng mga nangunguna o matatanda sa Iglesia ay ingatan ang kawan (Gawa 20:28).

Sa pagkakataong may panganib sa kawan gaya ng LEONG UMUUNGAL ang pastor ng kawan ang dapat magtanggol at lumaban sa panganib (1Ped. 5:9) hindi iwanan ang mga mahihina o pagod at hayaang lapain ng leon dahil ang pastor din ang may tungkukin na palakasin ang mga payat, pagalingin ang maysakit, talian ang may bali, ibalik ang mga INILIGAW, HANAPIN ANG NAWALA (Eze. 34:4).

Kapag may nalapa ng leon sa kawan, ang pastor ang mananagot dahil hindi niya ginawa ang tungkulin nya at hindi dapat isisi sa kawan kasi mahina sila o pagod.

Posted Nov 5, 2025, 1:51 AM UTC

128
Loading comments…