r/GigilAko•
Freezy717

Gigil ako sa nanay ko

For context, everytime pag may pinahahanap sya or pinapakuha sya napakavague ng mga description nya. Pag tinatanong mo ng maayos "saan?" or "san banda/san kwarto" biglang sasabihan kang "bobo" or "common sense" Kanina sinabe ni mama kung nasan pangtuition ko "nasa may cr daw, nasa ibabaw ng katabeng lagayan sa left side katabe ng sombrero"

Ang akin lang, tatlo cr namen, in which may katabeng lagayan sa left side pareho cr namen. So tinanong ko "Anong cr ma?" Tapos sinabihan ako na "bobo" "common sense" tapos dame pa nyang sinabe tapos maya maya sinabe nya na kung anong kwarto which is yung cr sa master bedroom. Diba, ang dali lang naman magsabe ng "Master bedroom" or "main room" or pinakamadali sa lahat "Kwarto namen" bat di nya kayang masabe yon????

Ilang years ko na sinasabihan sya pati tatay ko at ibang tao nagsasabe din sakanya na ayusin nya mga description nya kase napakavague or kulang sa impormasyon tapos pag pinagsasabihan sya. "Ang simple simple, wala lang kayong common sense, gamitin nyo mga mata nyo hindi bunganga" Taena ang bunganga at ang pagtatanong kay kasama naman yan sa paghahanap diba??? Ilang taon na ganto pa din sya at lagi namen pinagaawayan yan.

Posted Nov 5, 2025, 11:47 PM UTC

43
Loading comments…