Naiinis na talaga ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko! Nararamdaman?!? 🥴
Problem/Goal: May crush ako sa close friend ko.
Context: Okay sa ganito yun. May close friend (M) ako (F) sa post grad ngayon. Before, kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya but over time medyo may konting kirot na akong nafefeel para sa kanya. However push and pull talaga for the past few years, like ang nasa isip ko sometimes "ay crush ko sya today, bukas hindi na". Pero this year talaga sobrang nagka close kami, lagi kaming kasama mag study at mag chika plus always rin mag chat (ng mga normal things na pinag uusapan ng magkaibigan). Ewan ko anong gayuma ang ginamit nya baka galing sa siquijor.
Ang problema is alam ko talaga di nya ako type kasi napag usapan na namin ang type nya dati HAHAHA. Kita rin sa mga mata nya na platonic talaga tingin nya sa kin. Kaya napa U-turn po yung feelings ko at I decided na i-uncrush na sya. Buti nalang may time na hindi namin need pumasok para class at nakatulong talaga na di ko sya makita at nag isip ako ng red flag niya para maka move on tong auntie nyo.
However, this month need nanaman namin bumalik sa campus. Ayoko na te, bumigay nanaman yung puso ko. Crush ko nanaman huhu mga onti lang this time.
Paano po ba mag move on? Gusto ko irespect yung friendship namin pero at the same time sasabog na yata ang puso ko hahahaha oaa. Napipikon na ako sa sarili ko grr suntok sa pader moments.
I always thought na at this age mag-aasawa na ako HAHA. Bakit parang na stuck ako sa high school. Anyways, ngayon ko lang uli na feel tong butterflies in my stomach won't stop stop na sabi ni Justin Bieber. Dito na lang ako mag confess. Ang hirap pala if yung feelings mo has nowhere to go. Thank you for reading hahahaha.
Previous attempts: Ang technique ko now ay maging distant muna pero siya tong laging sunod nang sunod sa 'kin kung san ako tumambay sa campus.
Posted Nov 14, 2025, 1:53 PM UTC