Ok lang ba mag-motor cover sa indoor mall parking? Newbie rider question

Question

Hello, magandang araw mga sir/ma’am.

Newbie motorcycle owner po ako, less than 1 month pa lang. Wala pa ring OR/CR kaya di ko pa masyadong nailalabas nang malayo yung motor.

Tanong ko lang kung advisable ba maglagay ng motorcycle cover kapag sa indoor parking ng mall, like sa Podium or Megamall? Plano ko kasi gamitin yung motor as daily pamasok sa office, tapos mga 8 to 9 hours ko siya maiiwan sa parking.

Concern ko is more on nakawan ng accessories. Medyo marami na rin nakakabit na madaling tanggalin, tulad ng:

  • GTR Revolution CNC parts: drain plug (air filter plug), hook/hanger, exhaust tip, side stand, side stand switch cover, footrest/matting, bar end
  • DAYTONA Z2 Side Mirrors
  • Quad Lock side mirror mount
  • Ohlins HO 349 rear shocks (hindi naman ganun kadaling kunin pero mainit pa rin sa mata)

I am not trying to brag, in-enumerate ko lang para makita rin yung value at gaano siya kaakit-akit sa mga malilikot ang kamay.

So ito po mga tanong ko:

  1. Okay lang ba mag-cover ng motor sa indoor parking ng mall, or mas nagiging target pa lalo kapag nakatakip?
  2. May maire-recommend ba kayong way para ma-deter yung mga magnanakaw ng accessories, lalo na kung buong araw nakapark yung motor?
  3. In general, safe ba mag-iwan ng scooter sa mall indoor parking ng ganito katagal araw-araw?

Scooter ko pala is Honda Giorno. Maraming salamat po.

Posted Nov 14, 2025, 6:58 PM UTC

04
Loading comments…