SLOAN OD

25F, may higit-kumulang 40k utang sa SLOAN (9 active loans).

Sino dito may OD sa SLOAN? Halos 2 buwan na ang OD ko, at yung iba naman 2 days hanggang 2 weeks na rin overdue dahil nga 9 ang active loans ko. May na-home visit na ba sa inyo? Kabado na ako kasi di rin ako nakapag-partial payment dahil inuuna ko sanang tapusin yung ibang OLAs ko. Yung isa bayad na, at meron pa akong 7k due sa December 10. Plano ko sana na wag munang pansinin yung SLOAN. Inuna ko ring bayaran ang Pesoloan dahil kahit 5 days pa lang bago due ko, tinatawagan na nila agad yung mga references ko.

Yung 7k naman ay sa OLP, at sigurado akong tatawagan na naman nila lahat ng contacts ko. Kaya imbes na pang-SLOAN ang pambayad, inuuna ko muna yung ibang kailangan kong i-settle para iwas abala sa references.

Sa SLOAN, puro calls at emails lang naman ang natatanggap ko araw-araw, kaya di ako masyadong kinakabahan dahil naka block lahat unknown calls ko. Pero may nababasa rin ako na fina-forward daw nila sa 3rd party kaya medyo na papraning kakaisip. Alam naman ng family ko na meron akong utang kaso di ko sinabi magkano at bakit naging ganyan kalaki (ayaw ko kasi silang ma guilty sa'kin) kaya takot rin akong ma home visit.

Gusto ko ring i-try yung snowball method kasi karamihan sa loans ko sa SLOAN ay maliit lang: 1k, 2k, 5k. Ok lang ba na unahin ko munang bayaran yung maliliit para mabawasan agad ang active loans? Kaya ko naman talagang bayaran ito but ma-OOD lang talaga.

Please po need some advice and answers po sa mga questions ko.

Posted Dec 1, 2025, 3:11 AM UTC

15
Loading comments…