Dapat ba kausapin ko na ang bf ko?
Problem/Goal: Ayaw ko sana makialam sa pera ng bf ko pero parang di na pwede to.
Context: Parang wala na kase siya naiipon dahil sa mga kamaganak niya na puro hingi. Hindi siya makatanggi kase nahihiya siya lumayo na nga siya ng bahay kase nastress siya pero hanggang ngayon hinihingian pa rin siya. one time hindi siya pumasok sa trabaho ng 1 week pero hindi niya sinabi kung anong reason. Pero nararamdaman ko dahil sa mga kamaganak niya na puro hingi sa kanya. Live in kami ng bf ko 50/50kami pagdating sa bills kasama din namin sa bahay yung nanay niya. Tapos ngayon meron siya kamaganak na naputulan ng kuryente worth 10k+ ngayon sa amin nakikitulog yung pinsan niya kase nga naputulan. Naiinis nako kase parang balak nanaman ipabayad yung kuryente nila. Binayaran na niya dati yung kuryente nila pero ito ang chika hindi binayad ng tito niya dahil pinang sugal. Hindi ko alam kung tama ba to na manghimasok na ako sa problema nila kase naawa din ako sa bf ko. Tapos what if pag may pamilya na kami ganto pa rin hinihingian pa din siya ng mga kamaganak niya. Imbis na nakakaipon siya wala nahihingi lang. Ayaw ko magdamot siya sa mga kamaganak niya pero sobra ng kapal.
Posted Dec 1, 2025, 3:16 AM UTC