I feel ashamed, I want to stop gambling but I keep on relapsing
Hi! F (early 20s), graduating student here. Gusto ko lang mag-vent. Honestly, nakakahiya talaga gusto ko na tumigil pero minsan, ayun, naglalaro pa rin ako ng small amounts like ₱100 to ₱500.
Nagsimula lang ako sa curiosity. Pa ₱50 or ₱100 lang noon, pang-libang lang. Tapos isang beses nanalo ako ng ₱5,000 from ₱500 naging ₱5k! Akala ko titigil na ako after nun kasi alam ko deep down na “pinapanalo ka lang tapos babawiin din.” Pero ayun, tuloy-tuloy na. Ang problema, kapag nasa GCash, parang hindi totoong pera. Kung cash yun, siguradong magdadalawang-isip ako gastusin. Pero dahil nasa phone lang, feeling ko kaya kong bawiin anytime.
Nung una, kaya ko pa i-control. Pero ngayon, nalulong na ako. Nakakahiya kasi estudyante pa lang ako. I did the math, mga ₱10,000 na ata ang nawala sa’kin. Gusto ko na talagang huminto, pero minsan nagca-cash in pa rin ako ng ₱100 or ₱200. Sinabi ko na lahat sa boyfriend ko kasi di ko na kaya, parang mababaliw na ako habang nauubos ipon ko. Ngayon lang, nag-relapse na naman ako. May ₱175 ako sa GCash, nilaro ko, naging ₱1,000 pero hindi pa rin ako tumigil. Ending, ₱0 na naman.
May tips ba kayo paano mapipigilan ‘tong urge? Gusto ko na talagang makawala bago pa lumala. 😞
Posted Dec 1, 2025, 6:54 PM UTC