13 years of cheating
Ngayon ko nasukat ang tapang ng isip ko and tatag ng dibdib ko. Imagine 13 years ako paulit ulit na niloloko. Cheating via online games, minsan sa office mates, madalas sa social media. God is good kaya nahuhuli ko but then again I don't know bakit ako nag i stay? Siguro at 45, takot ako mag start ulit. Madali sabihin na "hiwalayan mo" pero I think I need to learn the art of letting go. Naisip ko nga last night, kung makipag hiwalay ako may pain, sadness and anger pa din, the knly difference is once maka move on ako tapos na pero kung mag stay ako, forever na siguro ang panloloko. Anyway, I'm 45F, may ibang kids prior marrying someone 10 years younger. Di ko alam ano ba nagawa kong kasalanan para parusahan nang ganito ng nasa Itaas 😞. Old account sa reddit but now lang naging active. I hope to read encouraging words and experiences from the same group of people.
Posted Dec 3, 2025, 1:40 AM UTC