r/RentPH•
Maximum_Pen4204

need your opinion to our situation

Renter Tips

hi! so i've just recently moved in to this condo in makati. (condo sharing). during the time na naghahanap ako ng condo, yung condo na to na yung pinaka decent at pinakamaayos sa mga na-view ko. malapit na rin ako mag-start ng work and taga bulacan pa ako kaya wala na rin akong choice but to get it (malapit na mag-undas nito kaya super gahol kona sa time). now, nung nag-view ako siyempre tinanong ko na if may sira sino ba dapat ang magpapagawa and the agent told us na yung owner naman daw and mabilis naman daw yung action KUNO. now, 3 weeks in and i was catfished big time. pagdating ko sa condo, may leak pala sa cr (nagka-leak DAW after ko mag-view) so walang ilaw sa cr. walang bidet. sira yung microwave. and the worst part is, until now wala pa rin aking move in clearance, i am still registered as guest. nung unang week okay lang since baka inaasikaso pa lang, pero kasi i am almost a month sa condo na to and hindi ko man lang magamit yung amenities. then last night we had a call with the agent. since nagppile up na nga raw yung concerns, she gave us the option na lumipat sa ibang unit pero mas mataas yung bayad and marereset yung contract. and regarding with our concerns, paulit ulit na RAW siya nagffollow up pero no response daw sa owners since nasa ibang bansa raw. di namin alam if maniniwala ba kami kasi parang lahat ng sinasabi niya e puro kasinungalingan na lang.

atp, gusto ko na lumipat kaso yung security deposit ko kasi baka di maibalik since di pa tapos yung contract. pwede ba ako mag-report/reklamo about this since hindi naman naaaksyonan yung concerns namin?

Posted Dec 3, 2025, 1:43 AM UTC

14
Loading comments…