r/GigilAko•
Low-Pick6333

Gigil ako sa window washer na binato yung piso

Alas dose na ng umaga, at walang barya yung kotse ko. Sa kanto ng Q. Ave marami laging nagtatangkang maghugas ng windshield mo kahit ayaw mo - at kahit hindi maayos pagpunas nila. Madalas alam ko naman yung gagawin, pag red light: hindi mo sasagarin yung hinto sa likod ng kotse sa harap para pag may lumapit na washer ay pwede kang umurong para alam nilang ayaw mo. Minsan mag-oon ako ng wipers pang-tanggi.

Pero this time na tyempuhan ako; At walang barya yung kotse: Piso lang. Na binato pa saakin.

Alam ko namang dumidiskarte lang sila pero para bang wala akong choice sa pag avail ng serbisyo nilang ayoko naman iavail? Tapos ako pa masama e buti ngang binabaan ko siya ng bintana.

Posted Dec 4, 2025, 2:43 AM UTC

86
Loading comments…