May death threats ang bf ni best friend
Problem/Goal: Nagtatampo na sa akin si bestfriend kasi hindi na ako sumasama mag hang out sa kanya dahil sa boyfriend nyang may death threats.
Context: So as stated above, si bestfriend (F27) ko ay may boyfriend (M35) of 8 months. Before pa maging sila, my bestfriend and I would religiously catch up biweekly - hangout sa cafe, mall, or kung saan man trip namin puntahan. Even nung nag ligawan stage sila ng bf nya and even nung sila na. Nagkaroon lang ng +1 kasi lagi sumasama si bf nya whereas yung husband ko is hinahayaan kami kasi yun lang ung “me” time ko din.
Last month napansin ko medyo uneasy si best friend nung huling labas namin so tinanong ko sya and ayun, nireveal nya nga yung about sa death threat sa bf nya. Di ko na lang idedetalye yung reason pero legit talaga yung dating sakin nung pinakita nya sa akin yung mga receipts.
Bilang isa na akong mommy, hindi ko maimagine maiwan agad yung anak ko. Mula nung sumasama na si bf ni best friend sa lakad namin, sa car nya lagi kami sumasakay pauwi and dina-drop off na lang nila ako samin. Pero since nalaman ko yung about sa death threat, natakot na ako na madamay. Ang dami kong what ifs. Ayoko maiwan ang anak ko ng maaga ☹️ Kaso si best friend is nagtatampo na kasi 3rd time ko na magcacancel ng lakad namin since nalaman ko yung situation.
Previous attempts: None.
Posted Dec 4, 2025, 2:48 AM UTC