paano nyo ulit naregain/narecover sarili nyo at ang social skills nyo after pandemic??
may mga nababasa kasi ako dito minsan about duon sa mga naapektuhan pandemic tulad ko, medyo nahihirapan silang mag-socialize at siguro nagkaroon ng issues sa sarili nila, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na yung pandemic kundi man nakapagbago, naapektuhan nito ang psychological/mental health natin, Ask ko lang yung iba dito na siguro na-thrive yung ganung extreme experience, how did you recover from it at kung medyo nabawasan ang communication/social skills, how did you regain it back?
I think maganda sigurong pagusapan toh, lalo na yung sa iba na nagsusufer sa parehas na issue since socializing and communicating is crucial for us since we're students
Posted Dec 5, 2025, 3:18 PM UTC
428