r/adviceph•
_youraccc

First ever serious confession in life

Love & Relationships

Problem/Goal: makausap siguro?

Context: Good evening everyone!

This is actually my first time posting here, I just wanna get this out of my chest. I (M) have a friend (F) she's older than me.

hindi ko naman siya type nung una though I can say that I'm not that attractive today compared to how I used to be specially nung hs to say this. Pero eto na nga unti-unti kami naging close hanggang sa dumating sa point na nagusap kami for i think more or less than 8 months araw-araw yon except for two days and kahit na paulit-ulit na na academic related halos mga pinaguusapan namin tuloy pa din siya sa pagrereply updated din kami halos sa mga ginagawa ng isa't-isa meron ding goodmorning, goodnight, eatwell and, ingat kapag alam namin babyahe yung isa pero hindi naman sobra-sobrang dalas, siya nagsimula ng mga yon ibinalik ko lang ewan lang sa mga ingat-ingat ganon,.

ala naman talaga akong intention yata na I pursue siya at the first place though feeling ko naattach na ko sa ate niyo to the point na inaantay ko na lagi yung reply niya, nago-overthink na ko everytime na matagal siya magreply na halos nasasaktan nana

Tapos eto na nga, nalaman ng friends namin na naguusap kami and then ayun tinatanong nila ko kung gusto ko nga ba si ate niyo, ako naman itong si todo iwas kasi di ko din talaga sure tapos one day nasa bahay kami ng isa naming kaibigan (wala siya that time) napag-usapan namin nga yaan and sabi nila boto sila sakin, tapos parang may chance na gusto nga din niya ako based sa way na pagusapan namin siya and eto pa dahil nga di ako sumasagot gano ng diretso sabi nila na dalawa lang yan it's either I take the risk or lose the chance.

So ayon tumatakbo sa isip ko yan for a few days na as in nakaapekto sa mga ginagawa ko, that time I'm leaning more on na lose the chance na nga lang since nagaaral pa. Then ayun na nga hinayaan ko muna for a while, hanggang sa napadalas yung paguusap namin ng isa pa naming friend and based on her mukang gusto nga talaga ako ng ate niyo di ko na masyadong ielaborate kung pano ko masabi pero na convince nga ako na magconfess since tapos naman na yung time na prinomise dati na hindi muna ako maggf after namin maghiwalay ng ex ko.

tapos ayun, sabihin na natin na na friend zone ako. Hindi naman talaga ako nasaktan sa response niya since I don't think it was her fault, nasaktan ako sa fact na I let that happen specially I've kept myself from getting into a relationship for more than 10 years. and gusto ko talaga na ready or almost ready na na talaga ako kapag nag attemp ako na makipag relasyon since hindi pa talaga kami okay ng family ko financially.

wala naman, gusto ko lang talaga siya ishare kasi ang sakit, nagooverthink pa din ako hanggang ngayon and nasasaktan pa din ako sa mga sobrang liit na bagay na ginagawa niya kahit hindi naman dapat.

Alam ko hindi niya kasalanan yon, sakin talaga. Gusto ko lang siya ishare talaga sa iba kasi di siya halos mawala sa isip ko.

Ang haba na ng naging kwento ko kahit hindi naman talaga maayo, sana di makarating sa kanya to and sorry na din guys since hindi naman talaga ako nanghihingi ng advice.

Posted Dec 6, 2025, 6:21 PM UTC

11
Loading comments…