Thank you Lord
Hi (29F), yesterday ng morning nagchat ang former co-worker (F1) ko na mangungutang tapos yung nasa gut feeling ko wag muna replyan hanggang sa nakatulog ako (balak ko na replyan na hindi ko sya mapapautang ng 3k dahil madami din akong paggagamitan), then 11pm kagabi nagdelete message sya tapos ngayong umaga yung isang dati ko ding kawork(F2) nagchat na nanghiram sakanya si F1 tapos pinahiram nya kase dati pa nyang tinatanggihan na pahiramin and nangako si F1 na magbabayad ngayon. Ang sabi ni F1 yung 3k pangdagdag nya na pangbayad sa supplier ng business nila. Kaya lang ang nangyari kahit kakilala nila yung supplier eh iniscam sila. Nagsabi na dadating na ang stocks kaya kailangan na magbigay ng downpayment pero ang totoo wala pala talagang stocks. Ngayon namomoblema ang dalawa kung kawork dati. Si F1 dahil nascam sila, si F2 dahil yung 3k nalang yung pera nya tapos napautang pa nya. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga pag gabay na ginawa nya para saakin at sana malagpasan ng mga kaibigan ko ang mga problema nila 🙏
Posted Dec 7, 2025, 4:49 AM UTC