nurse here and YES, doctors make me kilig. periodt!!!
hello! i have chika lang!! HAHSKDKSKA
so i’m a nurse (f) and grabe talaga yung appeal ng mga doctor for me. like hindi ko rin ma-explain pero may something talaga. syempre, i don’t say this sa mga colleagues ko at baka sabihan ang ate niyo na haliparot HAHAHAHA pero damn, super duper ultimate crush ko talaga sila.
maybe it’s the way they carry themselves? the confidence, the calm voice kapag may code, the focus when they’re explaining plans, tapos biglang magiging funny pag chill na 🫠 plus points pa talaga kapag mabango at maayos manamit kahit puyat. minsan kahit simpleng “good job” lang from them, parang enough na para mabuhay ulit ang kaluluwa ko for the whole shift.
minsan nga kahit wala silang ginagawa, nakatayo lang, naka-cross arms, naka-steth, naka-poker face, ay yun na beh, tapos na laban ko. ikaw na nurse na kalmado outside pero sa loob mo parang “breathe in, focus sa vital signs, wag maging obvious” 😭
tas pag tinawag ka nila by name?? not “nurse” ah, BY. NAME. good luck na lang talaga sa heart rate ko. parang gusto ko nang mag-chart ulit kahit tapos na kasi biglang kailangan ko umupo HAHAHA. tapos yung boses nila na low, parang laging may sense of authority pero hindi intimidating, nakakamatay mhie.
may times pa na nag-eexplain sila ng case, tapos alam mong gets mo naman kasi healthcare ka rin, pero nagpapanggap ka pa ring “ahh okay doc” kahit internally: “sir pwede po ba kayo mag-explain pa ulit kahit alam ko na” 💀
of course professional tayo, trabaho lang, boundaries intact, walang landi sa duty. sa utak lang lahat ng delusions HAHAHAHA. uuwi ka na lang, maghihilamos, tapos doon mo lang marerealize na kinikilig ka pala kanina over something so small.
don’t get me wrong ha? i know they’re just humans too, pagod, stressed, may attitude rin minsan HAHAHAHSKD pero ewan ko ba, may kilig factor talaga. tahimik lang ako sa gilid, doing my job, pero internally: “lord, bakit po ganito…” HAHAHA.
pls tell me i’m not alone in this kasi feeling ko common hospital phenomenon ‘to 😭
Posted Dec 7, 2025, 4:53 AM UTC