Gigil ako sa Landlady Ko

Idk if valid ba nararamdaman ko towards my landlord.

Umuupa ako rn sa Dasmariñas. Room lang naman siya. Nung unang dating ko rito last August, medjo okay naman vibes namin nung landlady. Syempre, kelangan ko nga ring makisama kasi nangungupa ako.

Once, nangyari na umalis ako kasi may work. Nasira kasi yung lock ng room ko kaya di ko na rin nasasara nang maayos. I putsome tali naman para masara siya and to signify na walang tao. Nalaman ko nalang na pumasok pala siya sa kwarto ko kaya sinabi ko sa kanya na bat siya pumasok ng kwarto ko na walang paalam. Sabi, may hinahanap daw na amoy. Edi pinalampas ko muna kasi nga baka meron talaga.

Just today, pumasok ulit siya sa kwarto ko kasi nagpalaba ako sa kanya and pinasok niya nga yung damit sa loob. Nakakaoff lang kasi diba bawal naman pumasok ang landlord/landlady sa inuupahan mong kwarto kasi may tenant's rights naman tayo to privacy.

May proper way ba na marereport mga ganitong landladies or whatsoever? Naiisstress na rin kasi ako. Planning to move out na rin kasi hirap makapagpahinga dahil sa ingay ng landlady palagi.

Posted Dec 7, 2025, 5:07 AM UTC

11
Loading comments…