okay lang siguro maleft behind ano?
Yep. Okay lang na di ako ipriority, at ako pa yung nahihiya kapag nabibigay sakin ang spotlight. Though it just hurts din. Only child pero eventually naging panganay sa other family. Wala akong "safe family", sa isang pamilya kailangan ko isupport financially tas nagagalit at puno ng problema kapag di ko nabibigyan on time, sa isang family naman ang hirap makakuha ng validation at sense of belonging kaya nakakapressure makitira.
Isa sa sakit ko ay nanormalize na mapagiwanan. Mag-isa sa unit kapag weekend, walang kausap kasi lahat ng kaibigan nasa province, at di na papriority kapag nangangailangan.
"Kawawa ka naman, bat lagi kang iniiwan", sabi ng kakilala ko. Naiiyak ako sa sinabi niya pero ayoko rin makain sa ganyang pagiisip kasi kinakawawa ko ba naman sarili ko hahaha.
Pero ngayon, ito nanaman ang araw na maiiyak ako ulit sa sitwasyon ko.
First off, I haven't talk to my parental figure again for days kahit same building lang kami nakatira at kahit one floor away lang siya. Kahapon uuwi sila sa bahay pero ininsist ko na magsastay ako sa unit nang mag-isa kasi pagod ako, pero pala may konting tampo ako.
To that parent, bakit di mo ko i-coax pa lalo na magfeel belong? Nakailang pictures ang nasesend sa group chat na kasama family tas wala ako DESPITE na nandyan ako sa venue.
Birthday ko di man ako naantay na dumating para makijoin in sa pag kain.
Ni kada aalis ka mo di ko alam. Nalalaman ko lang na nakaalis ka kada may picture na nasend sa group chat kasama nanaman family na wala ako.
Nahiya pa ko magsabi nung napagalitan ako ng partner mo na dahilan pa ay sabi mo na kapag may mali ako icorrect lang ako--pero yung pagcorrect niya sakin is parang bata ako kaya di ko alam pano gumalaw nang tama.
Ano pa...isang beses harap harapan nagpicture kayong buo tas ako nakatunganga lang, naiyak ako nun.
Tas okay lang sayo na kada may proud kang ipakitang achievement sakin sa partner mo tas 'ah okay' reply niya? Yea it is awkward pero I die inside all the time.
Sabi mo nahihirapan lang sila basahin ako kaya di nila alam pano ako isama, pero simple lang naman, iapproach lang ako kasi hanggang ngayon hesitant pa ko makisama kasi baka pala nagmumukhang makapal mukha ko. I know nakikitira lang ako sayo at sa stepfam. Pero ang hirap.
Mabait ka, napakagenerous, supportive naman. Pero bakit hesitant ako palagi na magseek ng comfort sayo? Kailangan ko pang maglayas para lang mag-usap tayo nang masinsinan kung ano nararamdaman ko. Kaso pagkatapos ng pag-uusap ano nangyari? Di ko parin nararamdaman na belong ako sa pamilya at napagiiwanan parin ako sa bonding.
Posted Dec 7, 2025, 5:08 AM UTC