r/GigilAko•
Level-Ad-8196

Gigil ako sa boss ko

Magtatatlong taon na ako sa kumpanyang pinapasukan ko pero bwakanang sh*t talaga tong boss namin. Please don't attack me dahil choice ko naman na nag-stay ako sa "kumpanya" na to kasi this is my fist job at need ko mag-gain ng experience since. Dagdag pa na nasa mental health field ako at gusto ko talaga i-pursue ang clinical kaso konti lang ang opportunities for us kaya nandito pa rin ako. I don't want to divulge more info kasi active din yung may-ari kunno ng kumpanyang to.

I'm so frustrated na wala na nga kaming benefits na nakukuha, literal na wala kasi kami raw dapat magbayad non dahil kami naman daw makikinabang, like wtf. Tapos wala ring leave. Kapag magpapaalam ka na aabsent ka, tatalakan ka pa kesyo naubos mo na 15 days mo kahit hindi ka nga madalas umuwi sa inyo. Yes, 15 days lang daw leave namin for the whole year tapos ang bilang niya sa isang absent times 5. Ewan ko ba HAHAHAHAHA. So ayun, frustrated ako dahil kung makapamudmod siya sa mga taong mayaman naman na, tapos kaming mga empleyado niya 500 pesos na double pay sa holiday, iniipit ipit pa niya. Yung 13th month pay ng empleyado niya na kakaresign lang nowhere to be found. May pasok na nga kami hanggang sabado at holidays, tingin pa sa amin robot. Kung makabigay ng deadline sa kliyente akala mo siya gumagawa e.

For the past N months, 3/4 ng empleyado ay nag-resign na dito. Hindi sila mag-reflect ano ang issue, ang solution nila mag-hire agad ng kapalit at sumbatan at siraan mga umalis na empleyado. As a matter of fact, nag-file na sila ng report sa DOLE. Gulatan na lang talaga.

As for me, aalis na rin ako dito. Tinatapos ko lang ang 2025 para fresh start sa 2026.

Disturbing talaga ang experience ko dito kaya last time na nagpa-check ako sa isang clinic sa province, they think I have PTSD. Hindi lang ako makabalik ulit for another session because mahirap nga mag-absent.

Noong una, sinasabi ko pa sa sarili ko na I can't afford to lose this job since wala pa akong malilipatan at fresh graduate ako non. Pero malala na kasi ang problem ko with my mental health dahil dito. Goods na rin naman ang 3 years na experience kaya bounce na talaga. Wish me luck!

Posted Dec 8, 2025, 3:40 AM UTC

25
Loading comments…