Parents can no longer support studies
Problem/Goal: Mom admitted that she can no longer afford for my studies and apologizes about it.
Context: Currently a 1st year student studying in one of the UAAP schools, trisem. First sem is naka fully paid kami sa tuition, I don’t know what happened although vocal naman both mama at papa ko with our financial status. The things is three of us na magkakapatid nasa private school, apat kami magkakapatid ang isa is graduate na. My other sibling which is in senior high is same kami ng school, and bunso namin na nasa 5th grade is nasa isang international academy. Tuition ko for one whole year is roughly around 90k max, i’m currently pursuing BSIT. Sa kapatid kong isa nasa 30k ang year, sa bunso naman is 20k ang year. Both of them are fully paid na sa tuition.
Now nagpapagawa kami ng bahay, pero pinatigil ng parents ko. Kahapon, parang nag-aaway na sila with our financial status. For background lang, mama ko lang may work OFW siya and papa ko is siya nagbabantay sa amin, minsan sumasideline sa driving. Ang sister ko naman is working for her med school. The thing is, hindi sila marunong mag manage ng pera. Nagpagawa sila ng bahay without thinking sa total na magagastos. Marami na palang utang sa kung sino2, and ‘yung sweldo ng mama ko is sakto lang talaga pambayad. Tas andami naming monthly bills, yung sasakyan, mga appliances, tubig, kuryente, at pang kain.
Nakalimutan ng mama ko na mag m-midterm na kami and since installment tuition ko, monthly ako may binabayaran. Nung first sem nasa 11k monthly ko nun for 3 months pero first month palang finully paid na siya ng mama ko para raw wala na siyang isipin. Upon enrolling, need mag down payment ng 6k and monthly na ang next. Ang monthly ko for 2nd sem is 9.8k for three months. And due date ko na bukas for my 1st month installment. May access mama ko sa portal ko kaya alam niya when ang deadline at lahat2 including my grades. Now, she called me earlier, voice was so soft almost felt like she was crying before she called me. Nag sorry siya (lol naiiyak ako), kasi baka raw mapapa stop muna ako sa pag-aaral. ‘Yun pala may utang na 600k sa diko kilalang tao, tas 40k na utang sa isa pa, at 100k sa diko na naman kilalang tao. At sinisingil na daw sila. Nag sorry mama ko kasi wala siyang maibibigay na pang tuition. Ok lang, kaya ko gawan ng paraan. Sinabihan ko siya na mag a-apply ako ng BPO next week after midterms…… Umiiyak lang si mama (naiiyak na naman ako!!)
I love my mom so much, cant say the same sa papa ko lol. Physically absent but emotionally present si mama ko, unlike sa papa ko na birthday na birthday ko hindi ako grineet at minamadali pa pagluluto ko (YES AKO NAGLUTO NUNG BIRTHDAY KO, Pati cake ako lahaat) Now ‘yung papa ko sinabihan ako kaninang umaga na ‘wag na muna pumasok. Mas mahal kasi pamasahe ko compare sa dalawa kong kapatid (iba campus namin nung shs). Pero may ipon ako, sarili kong pera ginamit para makapunta ako sa school. Pero saktong sakto lang talaga makapunta ng school at pauwi. Lutang na lutang ako kanina sa room, thinking of my mama’s words.
Now, i’m here sa registrar contemplating whether to withdraw my enrollment or not. I don’t know what to do.
Previous attempts: None.
Posted Dec 9, 2025, 9:50 AM UTC