Boyfriend keeps interacting with a girl who once claimed she caused our breakup — am I wrong to feel upset?

Love & Relationships

Problem/Goal: Is it normal to feel uneasy about your partner engaging with someone from past issues?

Mas nauna akong naging friend nung girl kaysa sa boyfriend ko, pero mas naging close sila eventually since same batch at same circle of friends sila.

Nagkaroon ng misunderstanding when I posted something on my dump account about “kunsitador na tropa.” Nagtanong si girl sa circle of friends nila if sila ba tinutukoy ko. I confronted her and told her na sana sa’kin siya nagtanong directly para hindi magka-misinterpretation. Ang dating pa, nagsumbong siya sa iba eh siya na nga nagsnitch sa dump account. Sabi niya sakin na ako raw una niyang naging friend kaya nahurt daw siya, and hindi naman daw siya tinamaan sa post ko.

Paulit-ulit ko sinabi na hindi sila yun at kung may problem or gusto niya i-clarify, mas okay na direct siya sa taong involved at hindi sa ibang tao para iwas issue. She ended the convo with “Let’s talk again” pero never na nangyari.

Then later on, nalaman ko na lang yung behavior niya with other guy friends na may mga girlfriend—na pinapadala nya mga gamit niya (mga bags, books), nagagalit pa pag hindi dinadala (ginawa niya rin sa bf ko last year, ngayon ko lang nalaman dahil may nagsabi sakin na gf ng isang guy friend nila). May isa pa silang guy friend (si B) na may nililigawan (Si M) at aware si girl na may nililigawan pero siya walang pake to the point na nakiinom pa sa tumblr nung guy, nagpapabebe pa yan kay B kahit nasa harap niya si M (sa sobrang inis ko sinabi ko kay M na si B at si girl ay nagyayakapan tuwing nasa dorm sila at alam nung mga tropa nila, at may tawagan pa silang dalawa na "Baby" eventually yung shared post ko na hindi naman tungkol sakanila ay nangyari haha)

Si D (gf ng isang tropa nila) nagkwento pa na inaasar daw yung bf ko at si girl sa room, tuwang-tuwa si girl habang bf ko tahimik lang para iwas issue (kilala kasi nila ako as the girlfriend). Ever since ayaw nang bf ko makasali sa mga issue so wapakels siya kahit ano mangyari.

Eventually naging friend ko rin yung girlfriends nung tropa nila. Lahat sinasabi na hindi nila kayang kausapin si girl kasi may pagka-bitch daw and baka magka-gulo since close daw lahat kay girl. Pinipigilan din nila ako kausapin si girl kasi natatakot daw sila umabot na sa point na umiyak na sila.

After ko malaman lahat, iniyak ko sa bf ko. Pero ang tumatak lang sa sinabi niya was: “Nahawaan ka lang ng ka-OA ni D" at hindi kami nagkita ng 1 month kaya akala ng mga tropa niya ay break na kami. Weeks later, nalaman ko pa na proud si girl na “siya daw yung reason bakit kami nagbreak” at wala raw akong karapatang magalit, at kung meron man, si M lang may karapatan. Sinabi niya rin sa bf ko na "Nagpapa under ka diyan". So parang hindi pala valid yung nararamdaman ko pala haha

Fast forward to now: nalaman ko na lang na nagrereact yung bf ko sa IG stories ni girl. When I confronted him, sabi niya,“Tinawanan ko lang story niya kasi nagbreak na naman sila, bawal pala yun?” then sinabi ko sa bf ko na Sobrang embarrassing sa side ko, kasi paano kung lalo pa niyang ipagmayabang na may reaction yung bf ko sa stories niya knowing na proud pa siya na siya yung dahilan bat kami nagbreak pero hindi niya sinagot, iniba niya yung topic. Tuwing sinasabi ko sa bf ko na ayaw ko sa circle of friends nya esp kay girl ang tanging sinasabi niya lang ay "wala ako magagawa since magcclassmate kami"

So now I’m confused — valid ba nararamdaman ko? Considered ba itong disrespect to your partner kahit sabihin pang ‘walang malice’ yung pagrereact sa stories ng girl? Is my boyfriend’s behavior a red flag or am I just sensitive?

Posted Dec 9, 2025, 9:58 AM UTC

199
Loading comments…