Feeling trapped ako.
Mabait asawa ko pero minsan may pagkagaslighter. Insensitive din pati. Ginamit din sakin yung “its all about you” na generic reasoning na siguro nakikita niya sa mga facebook e sa totoo lamg saming dalawa sya gumagawa nun. Ang nakikita lang niya galit ako. Di niya nakita yung mga bagay na nagbuild up ng galit ko bago ako sumabog. Bagong panganak ako noon, wala akong work at nanliliit kasi di ako sanay na walang ambag sa expenses. Pagod, breastfeeding, may isa pa akong anak na gradeschool. Para akong sumabog kasi pagod ako tapos puro kalat lang niya nililinis ko. Ang nakita lang niya, galit ako. Nagalit sya na nagalit ako kasi kahit gets ko na day off niya mas naisip niya mag inom that day. CS din ako pala. Nung namatay daddy ko, nakisuyo ako linisin kalat niya sa bahay, kasi nagluluksa ka, kamamatay ng daddy mo that day maglilinis ka pa, buntis ka pa. Kabwanan mo na. Nagalit sya, bigyan ko daw sya time kasi naggrieve sya. 😆 hiyang hiya ako. To think na ilang bwan lang niya nameet daddy ko at konti lang interaction nila. Wala sya dito sa pinas. Gusto niya sumunod kami sa kanya pero sa totoo lang natatakot ako na baka pag kami kami nalang dun, maging feeling helpless ako doon. Sa ngayon ok lang naman ako na andito ako sa pinas, may sarili akong bahay (yes, mine. Mana) kasama kids ko, kumikita as a wfh mom. Andito support system ko. Ok din ako na di kami magkasama. Minsan iniisip ko baka mas ok na parents kami kesa mag asawa. Baka di kami ok magkasama. 3 years palang kaming kasal. Pero parang ang tagal tagal na. Parang laging gusto niya sabihin na sya ang nagpapasensya sa aming dalawa. Na para bang ako ung masama ang ugali. Malakas personality ko. Lagi daw galit tono ko. Overwhelmed at overstimulated ako. Nandito sya o wala same lang naman. Mas maluwag lang financially pero kung ako tatanungin mas ok na sakin na dun nalang sya. Wala akong personal na gamit na pinabili sa kanya. Basta sakin, sakin gastos. Bills at sa mga bata ang sagot niya. Feeling trapped ako kasi.. hindi ko alam kung gusto ko bang makipaghiwalay pero baka mababaw lang reason ko. Nakakaburnout. O baka unmet expectations lang to. Hindi ko na alam.
Gusto ko lang magvent. No need for harsh comments. Pwede siguro natin gamitan ng kinder words.
Posted Dec 10, 2025, 2:46 AM UTC