Sinasadya akong di pansinin ng mom ng bf ko

Love & Relationships

Problem/Goal: Patuloy akong ini-ignore ng mom ng boyfriend ko kahit wala naman akong ginawang mali. Dahil dito, naging uncomfortable at emotionally draining yung buong stay ko sa house nila. Ang dami ko pang mas urgent na kailangan asikasuhin, pero naapektuhan na yung focus at mental space ko dahil sa treatment niya sa akin.

Gusto ko lang magka–peace of mind. Gusto ko lang maintindihan sarili ko, ma-regain yung emotional stability ko, at makalayo muna sa stress. Hindi ko rin muna kayang makipag-usap sa mom niya dahil hindi ko kaya mag-handle ng ganitong immature, high school-level na tension habang marami akong ibang problema.

Context: Two weeks ago, nag-away yung boyfriend ko and his mom habang nandun ako sa bahay nila. It was strictly a mother-and-son fight wala akong involvement pero nakita ko lahat.

For the next few weeks, cold war sila. His mom avoided him, hindi siya kinakausap, and the house felt heavy.

Despite that, binabati ko pa rin yung mom niya everyday with “hello” and “good morning,” pero hindi niya ako sinasagot. I even bought her food para hindi maapektuhan yung relationship namin.

Yesterday, nagkaayos na sila, so I expected na baka okay na rin kami. I told my boyfriend about how his mom has been ignoring me. Sabi niya baka kulang sa energy yung bati ko. Pero nang nadaanan namin mom niya, I greeted her properly and she still ignored me, harap-harapan, and my boyfriend witnessed it.

Previous Attempt: Sinubukan ko maging respectful at considerate greeting her, buying her food, and keeping the peace pero wala pa ring acknowledgment.

Ang suggestion ng boyfriend ko was kausapin ko yung mom niya, pero may work pa ako and honestly, hindi ko kaya mentally right now. I need space first. The situation feels childish and unnecessary, and hindi ko siya kayang i-prioritize given everything else on my plate.

Posted Dec 10, 2025, 2:50 AM UTC

11
Loading comments…