400,000 in debt please help

Debt/Financial Advice

For months, on and off ako nag oonline sugal, nananalo nung una pero after a while di ko napapansin na lumalaki na ang talo. Until, diko namamalayan nakakapag loan na pala ako para lang makapa sugal uli thinking mababawi ko naman kaso hindi. Days go on sobra akong na depressed and anxiety dahil dito. Dagdag pa dyan yung OCD ko na hindi ako mapakali at makatulog pag iniisip ko na I am in 400k in debt tapos yung struggle na labanan yung trigger ng pagsusugal uli. Apakahirap sa totoo lang. Madali lang sabihin na, "stop" pero merong something sa utak na sobrang complicated at powerful na hindi ganun ganun kadali labanan. Alam ko alam niyo yan at na eexperience niyo din. I'm living alone in an apartment and having thoughts of ending it all at once. Wala na ko nakikitang pag-asa talaga. Iniisip ko kung di lang sana ako nag try ng sugal dahil sa udyok ng mga ka workmates di sana ganito. I am usually not like this, kasi in school noon and at work, I am an achiever yung tipong masigasig at may honors at recognitions. Masaya at fulfilling ang buhay back then.

I have a full time job naman with good pay kaso dahil sa nagka patong patong na yung loans halos wala na matitira sa sahod kaya cut off. Halos wala ng pangkain at pambayad ng rent. Iniisip ko magloan sa bank para ma settle once and for all tapos monthly nalang babayaran, kaso ayoko mag loan lang pambayad ng loan parang dadagdagan ko pa ang problema tapos sobrang laki pa ng interest.

Asking help to anyone na makakapag suggest ng sideline kahit na ano para lang makadagdag sa pambayad? I can do anything, I am 32M, registered nurse at may years ng corporate work experience sa data analytics related to healthcare.

Again, I can do anything para lang mai-settle na ito. If anyone na may mai-recomment talagang pasasalamatan kita sa buong buhay ko. Salamat at kakayanin nating lahat ito.

Posted Dec 10, 2025, 2:50 AM UTC

10
Loading comments…