Struggling to Save While Supporting Family

Home & Lifestyle

Problem/Goal: Kahit ako na ang nagbabayad ng bills at groceries, humihingi pa rin sila ng pera, si mama nagbubudget pagka sweldo ni papa pero di maka hindi mama ko pag hihingi si papa ng pera, ang sagot ng papa ko pag nagaaway sila minsan "ganun talaga talagang magastos ako e" ,kaya nauubos sweldo ko sakin sila humihingi pag wala na yung sa kanila na pang budget sa araw araw sana.

Imbes na makaipon, napupunta lahat sa gastusin sa bahay. Parang ako yung primary provider kahit hindi naman dapat. Pakiramdam ko ako ang inaasahan ng lahat, kaya hindi gumagalaw ang savings ko.

Context: I (22f) fresh grad, Sumasahod ako ng around ₱17,000 a month. Gusto ko makapag-ipon para sa emergency fund at para kung sakaling umalis ako sa company, may mahuhugot akong pera.

Ako ang nagbabayad ng bills,internet per month at grocery per cutoff, May sinusuportahan din akong kapatid na college na at nasa malayo,free tuwing mon to fri yung food nila at pag stay sa dorm,sat to sun lang ang hindi.

May trabaho naman ang papa ko (50yrs)kaso sumasahod lang sya ng 10k a month ,ang mama(40yrs) ko wala, 4 kaming magkakapatid nagaaral pa mga kapatid ko.

Previous Attempt:

Sinabi ko na ako na ang bahala sa kuryente,tubig,internet,grocery

Para mas ma-control ang gastos, pero kahit ganun, may hingi pa rin sila. gusto ko sana magkaroon pa ng part time para mas makaipon pero di ko na sasabihin sa kanila na naghahanap ako ng extrang pagkakakitaan. ask ko lang kung magkano ba dapat binibigay sa magulang

Posted Dec 10, 2025, 3:01 AM UTC

11
Loading comments…