Pa-rant lang

Family

Nakakainis yung nanay ko, I mean gets ko naman trip niya lagi magpaawa sa mga tao (as in ganyan siya lagi sa kinuwentuhan niya) pero yung sabihin niya na siya lang nagpapasok ng pera sa putanginang pamamahay na ito tapos ipapaint ako na masamang anak, eh putangina naman talaga.

Hahaha naaawa na lang ako sa sarili ko sa kakabigay ng pera pambayad ng bills at pagkain eh, tapos ending kwento sa iba wala akong ambag, tanginang buhay ito HAHAHAHA

Yung tatay ko oo walang kwenta yun talaga kasi hindi naman yan natulong sa bills kahit sa gawaing bahay wala din, aabutan mo pa nga ng tubig yun kasi AYAW tumayo (hindi siya baldado ah, tamad lang siya kumuha ng inumin niya)

Wala akong permanent work, pero sa sidehustle ko kumikita ako ng 400php to 500php a day. So ako nagbabayad ng bills saka pagkain (side hustle: Digital Product saka Art commission) pero since hindi nga yan permanent work na hindi nakaupo sa opisina, eh hindi yan trabaho so in short palamunin ako, nakakasama lang ng loob hindi man lang ako mapagtanggol sa mga Tita ko eh ako naman sumasagot ng gastusin sa bahay hahahaha sa kwento niya sa lahat sumasagot sa bahay, pero sabagay pakelam ko pala sa mga tita kong matapobre pero walang pera hahahaha

Saka alam niyo iniisip ko, gaano na kaya kasama tingin ng mga tao saakin, kasi ngayon ko lang nalaman na ganyan kwento niya sa mga tita ko eh, what more pa sa ibang tao, sa totoo lang akala ko kakampi ko Mama ko sa lahat, kasi close kami niyan na akala ko ipagtatanggol niya ako sa ibang tao "Hindi ganyan anak ko" hahaha mali pala ako, I feel betrayed HAHAHAHA kaya pala akong ibackstab ng mama ko, akala ko friends lang kaya gumawa niyan eh, kahit sino pala na pinagkakatiwalaan mo.

Anyways yun lang, hindi ko naman need ng advice kasi at the end of the day ako lang naman aasahan saamin so kung di ako tutulong, paano sila kasi nag-iisang anak lang ako eh.

Posted Dec 10, 2025, 3:03 PM UTC

20
Loading comments…