Immune na ako sa disappointment ng iba sa'kin kasi ako mismo disappointed sa sarili ko.
I just want to get this off my chest. This is my first time posting here, ako kasi yung taong hindi mahilig sa drama. Tingin ko kapag nag lalabas ng emosyon ang isang lalaki katulad ko ay isang mahinang tao. Pero hindi ko na talaga kaya yung regrets at disappointments ko sa sarili ko.
I'm so disappointed sa sarili ko dahil 28 na edad ko hanggang ngayon wala parin akong narating sa buhay, baon sa utang, at ang daming maling desisyon sa buhay. Hindi naman ako ganito dati puno ako ng pangarap at ang dami kong gustong patunayan sa sarili ko. Pero ngayon gusto ko nalang sumabay sa agos ng buhay.
Recently pinabarangay ako dahil hindi ko parin mabayaran yung remaining balance ko motor ko na na-carnap. Pinipilit ako ng bangko ng bayaran ko ng buo yung remaining balance kasi wala naman sa agreement na kapag nanakaw ay hindi ko na pananagutan. Hindi ko alam saanko hagilapin pambabayad ko.
Dagdagan pa ng outstanding balance ko sa Metrobank Credit Card ko na over-due na. Kaya sobrang gulo ng utak ko kakaisip kung saan ako maghahagilap ng ipangbabayad ko sa mga 'to. May maayos naman ako na trabaho at sumasahod naman ako ng 40k+ monthly kaso para sa mga bills ko palang ay kulang na kulang nandyan yung bayaran ng bahay, tubig, kuryente, groceries, pagkain ng mga alaga naming pusa, pang gastos namin live-in partner ko.
Bukod dito grabe yung pressure sa end ko na 28 na ako pero wala parin akong narating at hindi ko alam paano ko patutunayan sarili ko sa partner ko sa sobrang dami ng katangahang nagawa ko. Immune na nga ako sa pagmamaliit niya sa'kin at sa mga masasakit na salitang binibitawan niya kahit deep inside sobrang sakit na ganun tingin sa'kin ng partner ko.
Alam ko naman na disappointment ako at hindi ko alam kung makakausad pa ba ako sa sitwasyon ko ngayon. Kaya nga siguro kahit nag iinitiate intimate time yung partner ko ay umiiwas ako kasi natatakot ako na baka mabuntis ko siya at hindi ko alam paano ko sila bibigyan ng magandang bukas. (I keep telling her na hindi ako kinakabahan na baka mabuntis siya kahit sa totoo lang sobrang kabang-kaba ako). I keep lying to myself and people around me na kaya ko yung bagay at hindi ko kailangan ng tulong. Pero ang totoo lunod na lunod na ako. Immune na immune na ako sa mga disappointment sa'kin ng ao sa paligid ko kasi ako mismo sobrang disappointed sa sarili ko.
Minsan hinihiling ko na sumuko na sa'kin partner ko kasi tang-ina wala naman siyang mapapalang maganda sa'kin e. Parang tanggap ko na sa sarili ko na palpak akong tao at wala na akong pag-asang umangat. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili ko. Pagod na ako sa sarili ko at sa mga bagay-bagay sa paligid ko.
Posted Dec 11, 2025, 9:45 AM UTC