Mas okay ka-hangout ang “boomers” (aka mis-labeled Gen X) kaysa Gen Z at Gen Alpha.
Not saying mas “tama” sila or perfect sila. Pero mas chill.
-
Walang pressure na gawing content ang bawat galaw. Pwede kang tumahimik nang hindi awkward.
-
Hindi ka kakausapin habang naka-scroll sa phone tapos sasabihin “wait, sorry, what were you saying?”
-
Minsan kwento lang. Hindi thesis defense, hindi call-out session.
-
May life experience na di galing sa Twitter thread. Failures, layoffs, pagpapalaki ng anak, bad decisions—yung legit, hindi summarized in 280 characters.
-
Humor na di kailangang i-explain. Pwede tumawa without explaining intent, context, at disclaimers.
-
Hindi ka biglang ili-label na problematic.” Worst case: corny ka lang. Which is fine. Tito ka eh.
-
Low-effort bonding is enough. Kape, beer, tahimik na kwentuhan. Walang kailangan patunayan.
-
Mas grounded sa realidad. Alam nila na di lahat maaayos ng vibes, boundaries, at self-care language.
Again, not hate, preference lang. Mas preferred ko pa rin na parehas ko Millennial ang ka-hang-out, pero between the 2 mas okay na yung matatanda.
Millennial Tito signing off.
Posted Dec 29, 2025, 2:58 AM UTC