Bumabalik yung nararamdaman ko sa kaklae ko but i have a gf
Problem/Goal: Nagkagusto ako sa kaklase ko last S.Y at ibang iba yung naramdaman ko sakanya talaga. Marami na rin akong nakausap dati, pero ibang iba talaga yung nararamdaman ko sakanya. Naging inspiration ko sya sa pag-aaral at palaging mataas grades koz at umabot pa nga sa puntong araw-araw ko syang sinusulatan ng liham ngunit hindi ko naman naipadala sakanya kahit kailan. araw-araw ko syang pinagdarasal, at kada nagkakaroon kami ng interaction, sinusulit ko talaga, at palagi akong ganado pumasok dahil sakanya. basta, sobra sobra yung nararamdaman ko sakanya, sobrang mahal ko talaga siya at alam ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para sakanya. Hanggang sa hindi ko nasabi sakanya yung nararamdaman kong yun at natapos na ang taon (last year), at nagkaroon ako bigla ng girlfriend. sobrang bilis at unexpected lang ng pangyayari at naging kami rin agad. at sa totoo lang, hindi ko naramdaman yung sparks sa relationship namin kahit isang beses, never ko naranasan yung kilig. parang puro problema lang yung dumating sa'kin nung nakasama ko sya at nawalan ako ng peace of mind. 11 months na pala kaming magkasama, at one time may microcheating issue sya sa relationship namin at hanggang ngayon dinadamdam ko at kahit anong pag uusap namin, hingi nya ng tawad o anomang bawi nya para akong pusong bato na ang hirap magpatawad. sa loob ng 11 months na yun is parang mas humirap ang buhay, which is dapat mas gagaan dahil may kasama ka diba? Habggang sa naramdaman ko na bumabalik yung nararamdaman ko dun sa kaklase ko last year. ang dami kong tanong sa isipan ko kung bakit ko ulit nararamdaman yun sa kaklase ko, siguro dahil hindi ko nasabi sakanya yung nararamdaman ko? o hindi ko lang talaga minahal yung girlfriend ko? at iniisip ko rin na kung sakali man na parehas pala kami ng nararamdaaman, willing ako na iwan yung girlfriend ko ngayon para sa kanya. Hindi ko alam kung nararamdaman ko 'to dahil dun sa nagawa/pagkakamali ng girlfriend ko at hindi ko sya mapatawad, o sadyang hindi ko lang ba sya mahal? o dahil hindi ko na clear yung feelings ko dun sa kaklase ko at naghahanap ako ng sagot? feel free po to comment sa mga opinion ninyo, naaappreciate ko po kayo at thank you po in advance!
Posted Dec 29, 2025, 3:10 AM UTC