tondo is normalizing raising kupal kids

Society

di ko na sasabihin anong part pero for context 4th gen na ako na taga-tondo so yes, matagal na kami dito. signs of aging na ata to pero sobrang nakakairita mga bata dito na sa tapat ng bahay namin nagpapaputok. mga bagong salta pamilya neto parang more or less 15 years pa lang tinayo yung mga yero yerong bahay nila na may aircon. oo na gets ko na na wala kami sa subdivision kaya wala akong karapatan magreklamo pero pukininginang mga bata to. bukod sa nagbabasag ng bote, nagpapaputok pa. sinaway na wag magpaputok sa tapat ng bahay namin (malawak yung kalsada pero literal na tapat ng bahay namin sila nagpaputok) at doon sila sa kanila magpaputok which is 4 blocks away from us tapos pinakyu ako tas minura tas NAGHAGIS NG PAPUTOK SA LOOB NG GARAHE NAMIN KUNG SAAN NAKAPARK YUNG KOTSE NAMIN AT KINAKAKATAYUAN KO. paano kung naputokan ako or yung kotse? edi nagkasunog pa? tangina talaga. pinabarangay na ng mama ko tas syempre wala namang nangyari kasi bata nga naman raw. nandon lang yung skwami parents. galit galitan. tinanong pa nanay ko "anong gusto mong gawin ko? bugbugin ko sa harap mo?" tas sinampal sampal niya anak niya na para bang hiniling ng nanay ko gawin niya yun. tangina niyo di niyo madisiplina anak niyo, wag kayo mag-anak

Posted Dec 29, 2025, 7:59 PM UTC

45959
Loading comments…