r/adviceph•
OhCarole

Ano ang gagawin mo kung may Tita kang napakakulit?

Parenting & Family

Problem/Goal: May Tita ako na ubod ng kulit. Dati siyang OFW at single mom. Nabanggit ko na dati siyang OFW sa middle east kasi naisip namin na baka kaya naging ganun siya ay dahil may traumatic experience siya sa abroad. Hindi naman kasi siya ganyan kakulit noon.

Gusto ko sana sabihin sa anak niya na ipa-check niya Mama niya sa psychiatrist para matingnan kasi hindi na normal ‘yung pagiging makulit at papansin to the point na sobrang annoying na kaya ini-ignore ko na lang. Pero kahit hindi mo na pansinin, mangungulit pa rin siya. Sobrang nakakainis na.

P.S. Hindi namin siya kasama sa bahay pero dumadayo pa sa amin para lang mangulit.

Posted Dec 30, 2025, 8:58 PM UTC

22
Loading comments…