Kaya ba ng isang 17 years old na walang alam sa mundo mag solo living?

Advice Needed

Balak ko mag solo living para matuto mabuhay ng mag-isa pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba may ma-aadvice ba kayo sa tulad ko?

Hindi na ko nagaaral nag drop out ako 2 years ago kasi nabully ako at saka feeling ko di talaga sa akin ang pag-aaral.

Mabait naman pamilya ko pero di kami close kasi gusto ko palagi mag isa.

May pinagkakakitaan ako ngayon pag bu-buy and sell ng items sa mga laro kumikita ako ng 15k - 45k per month depende sa market. May savings nadin ako. Alam kong anytime soon pwede malaos yung mga larong pinagkakakitaan ko kaya nagaaral ako ngayon mag coding balak kong mag freelance nalang if ever man malaos tong game na pinagkakakitaan ko.

Isa sa mga hobby ko ay pag luluto kaya tingin ko hindi magiging problema ang pagkain. Hindi ako marunong mag laba. Hindi ko alam paano mag commute mag-isa natatakot ako baka maligaw ako. Hindi ko rin alam paano bumili ng pagkain kung saan ba o paano mag budget. Hindi ko rin alam paano umorder sa mga kainan. Wala talaga akong alam sa mundo kaya gusto ko mag solo living para matuto mabuhay sa sarili kong mga paa ayaw ko ng ganito nalang ako. Mama ko kasi lagi gumagawa ng lahat kaya siguro di ako marunong kahit simpleng bagay.

Introvert ako at gusto palaging mag-isa. Hindi ko alam saan magsisimula may iaadvice ba kayo sakin? Plano ko mag solo living next year sa august mag iipon muna ako kasi natatakot ako mawalan ng pera at di ko alam san ako pupulutin pag nangyari yon. Plano ko din hindi ipaalam sakanila na aalis ako kasi alam kong pipigilan nila ako kasi tingin nila di ko kayang mabuhay mag-isa. Ano ba dapat ko pag handahan?

Posted Dec 30, 2025, 9:01 PM UTC

1012
Loading comments…