May pahabol pang problema bago matapos ang taon

Parenting & Family

Problem/Goal: papa applied for TRC sa Poland, kung nasaan sya, pero denied. Pinapauwi na sya within 30 days. Hindi namin alam ang gagawin.

Context: working sa factory si mama, at graduating pa lang ako nung 2023, pinadala ng kumpanya nya sa ng ibang bansa si papa, from Dubai to Poland. That time, we encouraged papa to go kasi naisip namin bagong opportunity, wala naman mawawala kasi sagot naman ng company nya yung paglipat, mas pabor rin kasi ayaw ni papa sa mainit na lugar. Along the way, tinanggal sya ng same company due to his health issues daw (may hypertension kasi sya). Out of all the choices, pwede sya umuwi ng Pinas, o bumalik ng Dubai, he chose to stay sa Poland, hahanap na lang daw sya ng trabaho.

Hindi pa kami tapos sa hinuhulugan naming kotse, isang taon na lang nung time na yon. Lumobo na rin yung utang ni mama sa CC kasi dun kami kumukuha ng pangbayad (lalo na sa tuition ko). TNT sya dun ng dalawang taon, pero good thing nakahanap naman sya ng trabaho. For two years, wala syang TRC, hindi pa renewed visa nya, sariling gastos nya sa bahay, pagkain nya, kaya ang padala dito is sapat na lang. dito naman sa Pinas, pasalamat namin sa Diyos I still graduated, and month after nakahanap na rin ng trabaho. But that isnt enough. Nakakatulong na rin ako onti onti from my first job until now, ako na sumasagot ng bills sa meralco, ng baon ng kapatid ko, ng groceries namin. Now back to present, natapos na rin yung kotse, at unti unti na rin nababayaran yung utang sa cc.

Kanina lang alas kwatro, ginising ako ni mama oara sabihing denied daw ang second application ni papa ng TRC. With that, ni-let go na sya ng agency nya. Wala syang work ngayon.

Previous Attempts: si papa, wala pa ulit. Mas lalong pinanghinaan ng loob, mas takot lumabas kasi raw maraming pulis. Dito sa pinas, wala pa din. Mayron daw syang 30 days para umuwi ng pinas, ang mas masama pa nito kami sasagot ng pamasahe nya kasi nga wala syang work ngayon. Hindi ko kaya gamitin lahat ng cc ko for plane ticket. Kaya ko magloan sa SSS at sa work, pero bukod don hindi ko na alam.

Also, mini rant, nakakainis lang kasi dump ako ng problema ng nanay ko, after nya ko gisingin for that, nasira na agad araw ko para magcelebrate ng new year mamaya. After she dumped all of that news, umalis na lang sya agad ng kwarto. Just like that.

Please advise.

Posted Dec 30, 2025, 9:05 PM UTC

714
Loading comments…