Is it okay to decline the job offer/contract on the first day of my job?
Hi! Any advice on how to decline the job offer or contract respectfully?
For context, nagmessage na sa akin yung magiging supervisor ko na bukas na daw start ko (as in agad agad kasi parang 2 days palang since I passed my resume and got interviewed) Di pa nga kumpleto requirements ko eh. Pero wala pang sinesend or binibigay sa akin na contract. However, based din sa mga naresearch ko parang normal lang pla yung ganto sa ibang companies... pero kasi ayoko magpakampante, kumbaga gusto ko pa rin makasigurado.
Due to this, I messaged them earlier asking for a copy of the contract or kahit manlang yung breakdown ng salary or deductions para aware ako kung magkano lang ba talaga makukuha ko per cut off, lalo na 6 days a week pala ang pasok sa kanila. Sabi kasi sakin, minimum daw, provincial rate. 13k daw ang salary ko pero kakaltasan pa daw yun. Pero di pa nga ako sure dito kasi baka mabago pa.
Kaya gusto ko din na makita muna ang contract to make sure din na di nila ako nilolowball. Plano ko kasi sana is mabasa muna ang contract before magstart, ngayon nagwoworry tuloy ako kasi first day ko nga bukas pero baka di rin agad ibigay contract ko so baka pagtrabahuhin na talaga agad ako
I just want to ask if okay lang ba na bukas, I'll ask them agad about the contract and tell them the truth na baka idecline ko ung offer nila? What I mean is pupunta pa rin ako sa office to tell them personally, and I'll be honest nalang to them na baka di na ako magcontinue.
Okay lang ba to do this face to face? Kasi I don't want to look unprofessional din naman since I know na nagspend din naman sila ng time and effort sa pag aasikaso sa akin. Or okay lang na ba thru message nalang since nagkakausap naman kami sa text ng magiging supervisor ko (I guess hindi sya ang hr so di nya rin alam yung about sa ganto)
Thank you sana po may sumagot, sensya na po fresh grad and first job eh hahahah
Posted Jan 7, 2026, 2:59 PM UTC