The heartbreaking reality of getting free meds at NCMH (National Center for Mental Health)
REPOST! Deleted na po pic ๐
Gusto ko lang ilabas 'tong frustration ko/namin sa sistema ng pagkuha ng libreng gamot sa NCMH. Imagine, ang daming taong pumipila, galing pa sa malalayong lugar, pero iisang window lang ang bukas para sa free meds. Sobrang bottleneck ang nangyayari. Ang lala ng pila, mainit, at siksikan.
Ang mas masakit pa, 30 days supply lang ang ibibigay sa'yo. Ibig sabihin, kahit anong layo ng binyahe mo at kahit gaano kalaki ang ginastos mo sa pamasahe, kailangan mong bumalik after a month para pumila ulit sa iisang window na 'yun. Paano naman 'yung mga walang panggastos buwan-buwan o 'yung mga pasyente na sobrang nate-trigger sa ingay at siksikan?
NCMH is supposed to be a place for healing, pero 'yung sistema mismo ang nagbibigay ng matinding stress sa mga pasyente at sa pamilya nila. Bakit hindi man lang dagdagan ang window? O kaya gawing at least 2-3 months ang supply para hindi naman buwan-buwan ang kalbaryo sa pila?
Sana may makapansin nito sa DOH. Hindi biro ang mental health, pero parang ginagawang mahirap para sa atin na magpagaling.
Kayo ba? Ano experience niyo lately sa pagkuha ng gamot doon?
Posted Jan 11, 2026, 8:02 PM UTC