Exam

Hi po! Humihingi po sana ako ng advice kung ano ang mas mainam na gawin.

Noong nakaraang taon, nag-take po ako ng DH (Dental hygiene) board exam at nag-enroll po ako sa isang review center. Halos 90% po ng mga kasabay ko sa review ay nakapasa. Sa kasamaang-palad, hindi po ako pinalad na makapasa dahil nagkasakit po ako bago ang exam, kaya halos dalawang buwan po akong hindi nakapag-focus sa pagre-review. Nagkaroon na lamang po ako ng rushed review noong dalawang linggo bago ang exam.

Ngayon po ay magte-take po ulit ako ng board exam at iniisip ko po kung mas mainam na i-review na lamang ang mga reviewers ko noong nakaraang taon o mag-enroll muli sa isang review center. (note: may mga record din po ako nung lecture namen noon since nagrerecord ako pag nag lelecture si doc)

Note po: Ang naging lecturer po namin sa review center ay matagal na pong nagre-review ng mga Dental Hygiene students at nakkapasa naman po ang mga ito.

Maraming salamat po.

Posted Jan 14, 2026, 3:14 AM UTC

12
Loading comments…