Sober for 3 months and 7 days

Sober Experience

F-28

I started gambling 2024. I am a compulsive gambler. Sobrang matipid akong tao pero gambling ruined everything. Just like the others nagstart ako sa maliit na bet hanggang tumaas ang risk appetite ko. Umabot ako sa point na 75k isang taya. Last quarter of 2025 naabot ko yung rock bottom ko. More than a million ang talo ko, ubos ang savings ko as in walang tira, may utang, walang tulog, di makakain, di makapagwork, depressed.

Natauhan ako nung one time na naisipan kong ibangga yung kotse na dinadrive ko para makawala. Hindi ko naituloy yun pero sobrang iyak ko and found myself sa simbahan.

Here's what I did:

  1. Stopped cold turkey
  2. Deleted all accounts; self exclusion
  3. Joined GA
  4. Joined a new hobby group (badminton and running)

Now, I am more than 3 months sober. Sobrang hirap bago naabot to. May relapse, withdrawal symptoms. Until now nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko yung mga nawalang pera lalo na kapag may bills or gustong bilhin. Pero ngayon nakakain na ako, nakakatulog, nakakapagwork, nakakagawa ng mga hobbies. Unti unti na ring nakakabayad sa utang. Early 2027 hopefully debt free na ako.

Hinding hindi na babalik sa sugal.

Posted Jan 14, 2026, 3:19 AM UTC

3220
Loading comments…