r/PHSapphics•
whoknowsrei

Bakit iiwasan lang at hindi i-go-ghost?

Advice

(Medyo rant lang din, pero badly need advice T-T)

Hindi ko na pinost here yung dilemma ko, pero sinearch ko, kasi canon event naman na siguro sa mga sapphic ang mahulog sa kaibigan di ba? Hindi ko lang gets, bakit laging sinasabing "iwasan mo lang, pero 'wag mo layuan" or "iwas lang, 'wag mo i-ghost?" So, bakit? Mag-fe-fail ba moving on process ko kapag completely ko sya inalis sa buhay ko?

For more context, para 'di naman ako masyadong masama kasi 'di ba nga, i-go-ghost ko ang supposedly "kaibigan" ko: May iba syang gusto, na afaik, gusto rin sya. She's also a sapphic. That's why I've already tried to avoid her MULTIPLE TIMES. Casual interactions, not so much of being friends. Result? Nagtampo sya. IT DIDN'T HELP AT ALL. Now, we're just getting closer and closer than ever. It's nice to have her as a friend and I enjoy her company a lot, but really, that's the problem. Na-mi-miss ko na sya na para bang akin sya. And at those times na parang ikamamatay kong 'di sya makita kahit isang araw lang, saktong nagpaparamdam s'ya. Hindi ko na kaya AHAHA. Kasi, 'wag na natin i-euphemize, this is basically me liking a friend who's also, not officially but still, taken. And I don't wanna be that kind of person. Because I'm not that kind of person.

Mas pipiliin kong mawala s'ya sa akin nang buong-buo kaysa mawala ako sa sarili ko. So bakit hindi ko s'ya i-go-ghost at iiwasan lang?

Posted Jan 25, 2026, 4:27 AM UTC

54
Loading comments…