Ending my super hoe phase

Experience

So noong natagpuan ko ang Reddit, grabe curious ko. Pero ang nagpa hook sa akin ay itong sub na Alas Juicy.

Grabe rin kasi mga kwento dito. May mga juicy at talagang parang nakakainggit at nakakapabuhay ng dugo.

Meron din namang alam mong kalokohan lang din at mga out of this world na kwento.

Hanggang sa yung simpleng pagbabasa, naging pagco comment na at naging pag me message na kung kani-kanino.

Nung una, nagtatanong tanong lang about sa experience. Hanggang sa nagkaroon ng idea about asking them out tapos makikipag kita without them knowing na I am in a relationship.

Pero oo, nasatisfy yung needs ko. And I feel wanted. At first may excitement and thrill pero doon ko na talaga sinisira yung relasyon at pagmamahalan na meron kami noong ng mahal ko.

Malupit din dahil merong mga girls na alam nila may karelasyon ka pero g pa din sila. Pero mas madalas yung di nila alam pero they just want to be wanted or madiligan lang talaga.

Iba ibang mga babae nakakameet ko. Pero mostly mababait naman sila.

Hanggang sa yung paghahanap ko ay naging pag popost na din sa AJ (sa luma kong account na medyo sumikat dahil sa mga detailed posts ko na may halong kwela sa meetups and kung gaano ko binubuhat bangko ko pagdating sa kama, kaya medyo di ako nahirapan maghanap ng makakahookup dahil sa account ko na yun. Nagbibigay din kasi ako tips maski sa sexual health)

At kadalasan mga girls na may profession nakakausap ko. Umabot pa sa may napaiyak na ako nang malamang may jowa ako at may nasira na ring relasyon dahil sa pag persuade ko doon sa girl na mag cheat sa guy niya dahil curious siya sa feeling at hindi siya nasa satisfy ng bf niya.

Hanggang sa nalaman ng girlfriend ko for almost 5years..

May nag pop up na TG icon sa CP ko. Pero ito yung mga time na pasuko na ako mag cheat and nag ask lang ako from a good stranger na nakilala pero yung asawa niya nagcheat at nagkakwentuhan anong gagawin niyang mga steps. Pati steps sa isang tiktoker na naglabas ng post niya sa tiktok withou her consent. Sumikat din kasi yung post niya at lumabas sa socmed. And I asked her for an advice about what is happening to my relationship dahil toxic na talaga kami bago pa man ako magcheat. And also legal advice about sa away ng mga tito tita ko sa mana nila dahil itong stranger na to ay isang bigtime lawyer. Pero yung pagiging toxic nga namin ay di valid para magcheat ako. Talagang gumawa ng way si universe para sabihin sa gf ko noon ang mga kalokohan ko kahit na napakaingat ko at tinatapos na yung pagch cheat ko. Kasi nag pop up nga tong TG ko nang magreply si attorney sa pag ask ko ng legal advice. Pinapabukas niya agad and hindi ko binuksan.
She was so devastated and umiiyak and tipong ayaw niyang tumabi sa akin.

She asked when... And told her just few months ago.

At ang nasabi niya nalang habang humahagulgol ay...

"Nakakadiri ka."

Doon nag umpisang magunaw ang mundo ko. Nakita kong umiiyak ang mahal ko dahil sa kalokohan ko. Hanggang sa sinubukan namin magstay pero away-bati at pinag aawayan namin ng malala ay mababaw lang.

I have deleted everything and tried to have her back pero wala. Hanggang sa umabot na sa point na gumaganti na siya at lalo kami naging toxic.

At umabot na sa point na nakipaghiwalay na siya at ako naman ay naghahabol kaya lang napasuko rin. Humingi ako ng pagtawad sa kanya pero time will tell kung kelan niya ako mapapatawad.

Hanggang sa itong Reddit at pakikipag meet up ang naging coping mechanism and yung pakikipag hook up. Kung kani kaninong babae ako nakikipagkita. It was fun, hanggang sa parang naging addiction and lifestyle ko na siya. Laging hinahanap ng katawan ko kumbaga. Para bang naka wire na yung utak ko na maging malandi dito. Grabe, ilang taon ko rin ginawa ito and hanggang ngayon may relapse pa rin.

Hanggang sa nakilala ko itong babaeng magbabago ng perspective ko sa buhay at iahon ako sa mga kagaguhan kong ito.

Parehas kaming nasa darkest time of our lives nang magkakilala kami. Parehas kami ng sitwasyon na nahumaling sa ganitong takbo ng buhay. Hanggang sa we agreed to be fwbs and humantong sa situationship kasi nga we support each other. Habang ako naman ay ginagawa pa rin ang nakasanayan ko na which is pakikipag hookup. At siya naman ay na fall sa akin. Which is para sa akin alam kong she is good to me and we are so sexually compatible. Kaya parang napahinto niya yung gawain kong ito pero dahil gagu ako, may mga times na naghahanap pa rin ako ng iba.

Hanggang sa umamin siya na mahal niya ako at umayaw na sa akin at sa ganitong setup. Ako naman ay pinigilan ko siya na huwag umalis sa buhay ko. Dahil alam kong kailangan ko siya. At gusto ko rin yung propose niya na mag date na kami.

Napigilan ko siyang iwan ako pero ano? Ano lang ginawa ko ? Ginago ko siya. Di ko napanindigan na maging exclusive kami. Ito ako na andameng shits sa buhay at exes baggage pero lumalabas na ginagamit ko siya for my own interest. Habang siya ay minamahal ako unconditionally.

Hindi ko man lang siya nirespeto kahit as a person man lang. Kung kelan natututunan ko siyang mahalin bakit ganito ako, nahuhumaling pa rin sa kagagaguhan ko. Tama lang siguro na iwan niya nalang din ako para may matutunan ako. Pero ewan. Alam ko na gusto ko siyang mahalin. Doon ko lang naramdaman na parang sinampal na ako ng katotohanan na I need to fix myself first. Kasi I tend to hurt anyone who is loving me. Hindi ko man lang pinapahalagahan yun.

At maguumpisa yun sa pag-alis ko dito sa Reddit, Sa Alas Juicy at paghihingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.

Marami akong na meet. Mostly mababait at amazing people. Meron din na catfish and chaka kausap. Samu't sari ang nakilala ko, you name it. At kung saan saan ako napapadpad. Humihingi ako ng tawad sainyo at pasasalamat.

Most of all, humihingi rin ako ng tawad sayo, Baby. Dahil despite na pinakita mong pagmamahal sa akin. Hindi ko manlang pinahalagahan yun at sinayang ko lang.

You tried to support me whenever you can. At sa eksaktong isang taon natin ng pagkikita, nasira ko ang iyong tiwala dahil sa mga kagaguhan ko. Kahit na sabihin nating hindi officially tayo, may usapan na exclusive pero binalewala ko ng maraming beses. At higit sa lahat, salamat sa pagmamahal mo, dahil sa oras ng kalugmukan ko, sa sakit ko, you supported me all the way at may na achieve tayong goals last year. Pero sinayang ko lang.

Kaya ito, gusto ko ng tapusin ang lahat ng kagaguhan kong ito.

Mag uumpisa to sa pag delete ko sa lahat lahat. At mag move on at mag focus na improve ang sarili ko.

Again, nagpapasalamat ako sa mga nakilala kong nagpakita ng kabaitan at mga nakakatuwang mga ganap. At humihingi ako ng tawad sa inyong lahat. At sana soon matutunan ko na rin patawarin ang aking sarili.

Posted Jan 25, 2026, 4:30 AM UTC

2048
Loading comments…