SKL May napansin lang ako dito sa reddit
May napansin lang ako dito sa reddit. Kapag yung post eh laging nagtatanong ng
valid ba to
normal ba to
iniisip ko agad, na gen z yung nagpost. usually tungkol sa mga interactions nila sa ibang tao, sa work nila, sa mga nakikita nila sa paligid nila.
mahina sila or karamihan sa kanila pagdating sa personal confrontation, face to face. like yung nabasa ko dito. feeling niya napapagalitan siya ng boss nya kasi may mali sa ginawa nya. opo lang ang sagot pero ipopost pa yung screenshot ng chat nila. tapos naghahanap ng kakampi sa online through validation. isa pa, nakita niya yung rider na naapakan yung ibang parcel ni hindi man lang niya sinabihan ora mismo pero dito pa ipopost at pagmumukahin pang sinadya yung ginawa ng rider.
kung hindi ka gen z, pacomment na lang kung nagpopost ka rin ng "valid ba to" o "normal ba to", at kung nagpopost ka eh bakit di mo alam sa sarili mo mismo yung sagot at itatanong pa.
Posted Jan 25, 2026, 12:21 PM UTC