SOL Consulting, legit nga ba?
So may account ako sa AEON then bigla na lang silang hindi mahagilap nung magbabayad na sana ako sa gcash, bayad center sa 7/11 etc. Good payer naman din ako. NAgtataka ako bigla nawala si AEON. Then one day nag email itong si SOL consulting sinasabe naacquire na daw nila yung account from aeon at sila na maniningil saken mula ngayon. Syempre bilang ako na di ko kilala si SOL, di ako nagbayad agad. Nagrerequest ako ng mga documents like SOA at proof of authority nila, person incharge. Hindi nila maprovide. Sabi hindi daw nila mabibigay via email. Ivisit ko daw sila sa office nila kung gusto ko. Like what? Maski Own account ko hinihingi ko, di nila mabigay. Mali pa total amount na binigay nila nung nagsend sila 'final notice' kuno with house visitation na kung di ako magbayad. Sila na nga di nagkocomply, di makapagprovide ng verification ng account ko tapos gusto nila bayaran ko sila ng ganun ganun na lang. Anyone here na nakaexperience na ng ganito kay SOL? Anong update sa inyo?
Posted Jan 27, 2026, 11:21 AM UTC