SKL Alam ko na bakit masama magpahula
In my defense, di ko naman talaga intend na malaman ang future. Talagang nasaktuhan lang siya habang nagmu move on ako sa ex ko tapos nasa impulsive decision making ako. Nagpahula ako sa career and love life. Yung sa love life ang talagang nagpa windang sakin. Nung binigay sakin yung characteristics nung mapapangasawa ko, may sinabi saking particular scenario and archetype, syempre kinilig ako and excited ako kasi ideal man ko talaga yung binanggit, kahit yung mga pag aawayan namin gusto ko. Okay naman na sana, kaso nag follow up question kasi ako, "kilala ko na po ba?" to which madam replied, na oo daw matagal na.
Ghorl!!! 3 years na lumipas and nalimutan ko na yung hula. Pero nalaman ko na sino kasi yung reading nung madam sa kung paano kami magkakakilala and energetic pattern, nangyari na many years ago. Take note ah, kilala ko na siya pero di pa kami nag uusap ulit. Pero aquainted kami dahil sa circles namin nung college.
Nyayon I decided to check his facebook just to see, curious lang. Ang dami naming overlap sa mutual friends and sa line of work. Pero ang burgis ng lifestyle niya, sobrang layo sa isang kayod isang tuka na buhay ko ngayon. Pero masaya ako sa buhay ko ngayon, malinis at repetitive, wala akong masyadong challenges. 3 years din since naging single ako at ngayon nasa stage ng buhay ko na ayaw ko na mag asawa dahil bilang single, ako na yung nag aalaga kina mama. Pero ngayon alam ko na bakit masama, kasi dahil sa mga work namin ngayon parang pinapaliit na yung mundo namin. Parang nakikita ko nang it's only a matter of time bago kami tuluyang magkita ulit. Kaya siya masama kasi parang bawat event sa work at invitations ng boss ko natatakot ako paano pag eto na lalo ngayon ayaw ko na.
TLDR: Masama ang hula kasi may fear mongering lalo pag di na aligned yung hula sa pagkatao mo ngayon.
Posted Jan 27, 2026, 11:29 AM UTC