upcoming freshman, pls help.
Problem/Goal: Grade 12 na ako ngayon, last playing year ko na bilang student-athlete. Sa totoo lang, ngayong taon yung pinaka peak ko kaya todo effort ako sa training para manalo sa division meet. Ang kaso, sa January 31 na yung PMMA entrance exam ko, at sobrang nahuhuli na ako sa review dahil sa training at work immersion.
Context: Sinabi ko na sa parents ko na hirap akong mag-adjust sa reviews kasi sabay-sabay yung nangyayari. Ang plano ko, kung bumagsak ako sa PMMA exam ngayong taon, magre-retake ako next year pero papasok muna ako sa ibang school. Ang gusto kong course ay BSCE (Civil Engineering), at sa CLSU ako may tiwala na makakapasa. Pero sabi ng parents ko, hindi raw maganda yung BSCE program sa CLSU.
Ngayon, parang torn ako. Gusto kong i-maximize yung last athletic year ko, pero kailangan ko ring isipin yung future ko sa academics. Ang hirap mag-balanse, kaya gusto ko lang humingi ng advice kung paano niyo hinandle yung ganitong sitwasyon.
Posted Jan 27, 2026, 11:29 AM UTC