Say something about this post.
Isang linya ang tumatak sakin noong educ student palang ako, galing sa isang beteranong professor, masakit pero totoo “Huwag kayong mag teacher kung bobo kayo. Imagine ilang bata ang papasahan niyo ng knowledge, 40? Eh kung bobo kayo edi 40 rin ang naparami niyong bobo” and now, nasa field na ako, I make sure na bago ako magproceed sa next lesson walang maiiwan na bata. Minsan nakwekwestyon ako bakit daw may backlog ako, pero firm ako, anong sense na magproceed kung hindi sila natuto? Kaya noong tumagal ako, naghanap ako ng ways na maituro ang lesson sa pinakamadaling paraan na maiintindihan nila. And you’ll be amazed sa results, how easy it is for them to comprehend and grasps it. Hindi nila aakyatin ang hagdan ng katalinuhan para marating ang lebel ng guro, bababa ka at bibigyan mo sila ng apakan patungo sa lebel mo.
Posted Jan 27, 2026, 11:30 AM UTC