Mga Entitled na Pulubi

TRIGGER WARNING

TRIGGER WARNING: MAYBE ELITISTA

Grabe yung banas ko the other day nung sumakay kami sa taxi sa SM Manila. Kasama ko yung nanay at pinsan ko at pauwi na dapat kami, eh medyo malayo kaya naisipan naming mag taxi na lang.

Merong mga barker na nakaabang sa tabi ng mga taxi na hindi naman namin pinapansin. Lumapit kami sa driver para sabihin kung saan ang baba namin, so pumayag si kuyang driver.

Ngayon, dahil nga nakaabang yung barker sa may likod na pintuan at sa likod naman talaga kami sasakay, yung barker ang nagbukas ng pintuan. Siyempre wala kaming ibang ginawa, alangan namang umikot pa kami para makasakay.

Pagsakay namin, dali daling lumapit yung barker at nanghingi ng pera. Dahil ako yung huling sumakay, ako yung pinakamalapit sa pinto. Ako naman, hindi talaga ako sanay sa mga ganyan since usually TNVS na ang gamit ko and hindi na talaga natuto magtaxi ever since. So sabi ko kuya wala, sorry.

Bigla ba naman akong minura tapos nagmumuryot pa siya, “Naghahanap buhay nang maayos yung tao” dun na talaga ako nainis. Buti may hawak na bente yung nanay ko, kaya binigyan na lang namin.

Pinakanakakainis talaga sa bansang to yung mga pulubing napaka entitled na akala mo naman kung gaano kahirap yung ginagawa nila. Ang elitista pakinggan pero just to even things out, may kamay ako at hindi kami ganun kayaman para kailanganin ng taong sasalo sa ebak ko pag walang malinis na public toilet. Tangina lang, nagbukas ka lang ng pinto tapos gusto mo awardan ka ng Jollibee? For sure tatanda kang namamalimos para sa pagbubukas ng pinto. Fucking skwater.

Kaya ang daming hindi makaahon kasi gusto nila easy way out, konting galaw lang naman. I understand na hindi naman to nag aapply sa lahat, may mga taong grabe talaga yung kayod pero at the end of the day kinakain pa rin ng basurang sistema ng bansang to, pero putangina, kung manghihingi ka lang ng pera, wag ka namang demanding.

Posted Jan 27, 2026, 11:38 AM UTC

54167
Loading comments…