Kumare/friendship over na nga ba?
Problem/goal: spending money which is not yours
Context: I have this kumare/best friend. Nandito kami nakatira sa isang bansa na d ko na sasabihin kung anong bansa basta malimit yung English. Tinulungan nya ko mag hanap ng space ko dito and work which is sakto kasi paalis na yung tenant sa isang kwarto edi ako na yung nag replace, btw, nasa iisang bahay lang kami ng kumare ko different room, actually may kasama pa kaming ibang lahi at isa sa mga yun yung katiwala nung mismong landlord. Aug 2024 pumunta na ko sa bansang ito nagbayad ako ng rent and 2mos dep. Wala akong masyadong pera nun todo tipid talaga, nangutang lang ako sa kapatid ko para may pang down lang ako sa uupahan, nagbayad ako sa kumare ko dahil sya na raw ang bahala mag abot dun sa katiwala ng landlord, okay naman tuloy tuloy ang rent until now, hanggang sa lumipat ng ibang bahay yung katiwala, so yung friend ko mismong sa landlord nag nagbayad, and chinat ako nung landlord, need contract signing and 2mos dep, so kinausap ako ng kumare ko na nagamit nya nga daw yung 2mos dep ko, dami nya kasing utang. Pero babayaran nya naman daw sa sweldo.
Ewan ko ah parang ang off kasi ng ganun, 2024 tapos 2026 na ngayon mo lang nalaman na ganun nga. Parang sumama yung loob ko. Naalala ko yung time na first 2 mos ko nun todo tipid ako para makaraos lang. Need advice po kasi bumabagabag sa isip ko eh.
Posted Jan 27, 2026, 1:47 PM UTC