Business lang talaga ang mga religion ngayon
May mga "mormons or latter day saints" ba dito? Well, para sa inyo to. Hahaha. BIC ako, buong angkan ko from father side ay LDS. Don na ko lumaki at tumanda pero may isang pangyayari sa buhay ko na nagpatuloy sakin para talikuran ang church na to.
Bata palang ako palagi ko na naririnig ang importansiya ng tithing, I myself did that religiously. Pero ang alam ko, para sa Diyos yon kaya ko ginagawa yon.
But recently, narealize ko. Business lang talaga ang mga religion ngayon.
My mom is ill, 3 weeks in the hospital, bill piled up. Hindi kami mayaman. The church and people help survived the daily incurring bills and I am so thankful for that. Then my mom died. 670k plus bill need to settle para mailabas sa hospital.
The church paid for it all. Heaven knows how grateful and thankful I am for the church. Sobra sobra. Hanggang ngayon.
Pero tama bang sa mismong necrological service, na habang sunod sunod ung umiyak sa kanya kanyang eulogy, tatayo ang stake president to speak and will tell us and everyone to PAY OUR TITHING dahil ang laki ng nagastos ng church to help the people in need like us and that's the only way to return the favor?
REALLY? SA EULOGY? DI MO MAANTAY YUNG SACRAMENT MEETING AT DON KA MAGPREACH? SA EULOGY TALAGA HAH?
I felt offended. Gets ko naman, ang laki ng 600plus thousand pero para kang bumbay na naniningil habang nagluluksa kami.
May tamang avenue to preach, sana naging sensitive ka sa sitwasyon or sana hindi ka nalang nagsalita at all. Ni hindi ka naman close sa pamilya namin in the first place.
Naniniwala pa din ako sa Diyos. Pero hindi na sa religion. PERA PERA lang ang ginagawa niyo jan. Ginagamit niyo pa ang Diyos!
Posted Jan 27, 2026, 1:47 PM UTC