What do you feel ba everytime humihingi kayo ng permission na ilagay ang former teacher/supervisor niyo as reference sa application? Okay lang ba yun?
Hi. Medyo kinakabahan po kasi ako sa ginawa ko huhu, kinapalan ko nalang talaga mukha ko na mag reach out sa supervisor ko nung internship ko sa government. Nahihiya ako sobra, pero siya lang kasi talaga ang nakikitaan ko ng magandang background (former director IV and currently a chief operations officer sa natl. government agency) so I assume na wide ang connections niya and advantage na nakalagay pangalan niya sa pds ko.
Okay naman po samahan namin during internship pero civil lang kasi I highly respect her. Tho di kami ganun ka close, I can say na mabait naman siya, binigyan niya rin ako calling card niya if ever need ko raw siya icontact. Kaso nahihiya ako huhu.
Posted Jan 27, 2026, 1:49 PM UTC
51